Sunday, 18 October 2009

OPINYON

!
HUWAG MONG IKAGALIT KUNG MAY KUMOKONTRA
SA OPINION MO
DAPAT IKATUWA MO DAHIL YAN ANG DAAN
PARA MAILABAS MO ANG KAALAMAN MO
!
Nais ko lang ibahagi sa inyo ang konti kong nalalaman tungkol sa madalas kong
naririnig, napapanood, nababasa kung minsan pa sa inuman madalas tayong
nakaka kita ng pagtatalo maliit man o malaking bagay minsan na nauuwi sa
hindi magandang pagkakaunawaan. Kadalasan lalo na sa mag asawa o
magkasintahan hindi maiiwasan ang laging may pinagtatalunan hindi
lang hundreds of arguments kundi argument of hundreds times,
dahil parehas ayaw tumangap ng pagkatalo.
!
Minsan may mga bagay na hindi natin nalalaman ang tunay na kahulugan
kung hindi natin inihahambing sa sinasabi ng iba. Hindi natin malalaman kung
tama ang mga sinasabi natin kung hindi natin pinapakingan ang sinasabi nila.
Hindi mo malalaman ang tama kung walang mali buhat sa sinasabi ng iba.
Minsan kailangan din nating pakingan ang opinion ng iba, sabihin na nating
may sarili tayong paniniwala. Kadalasan ito ang naririnig ko
"huwag mong baguhin ang aking paniniwala" . Mahirap talagang baguhin
ang paniniwala ng bawat isa kung nakasarado ka lang sa iyong paniniwala.
Hindi mo malalaman ang maling paniniwala mo kung hindi ka marunong
tumanggap ng paniniwala ng iba. Ikumpara mo ang sarili mo sa isang sayaw,
hindi ka mapapasayaw kung wala kang naririnig na awit, ihambing mo ang
opinion mo sa isang kasuotan, hindi mo malalaman kung ano ang magandang
isuot kung wala ang isa pa na pagpipilian. ganyan din sa opinion natin hindi mo
makikita ang mali at tama kung nakasarado lang ang isip natin sa
iisang paniniwala. Kung inaakala mong nasa tama ang iyong paniniwala
mas lalo mong ikatuwa dahil lamang ka sa pinag-uusapang bagay basta
huwag ka lang mauubusan ng paliwanag.
Lahat ng mga bagay na pinagtatalunan natin ay may kahulugan ngunit
may kanya-kanya tayong mga paliwanag. Sadyang may mga tao lang na
ayaw tumangap ng pagkakamali o ayaw tumangap ng pagkatalo yon
yung mga taong ayaw tumangap ng paliwanag ng iba, yan yung taong
nakasarado ang isip sa sarili niyang paniniwala. Lagi nating isa-isip na
may mga bagay rin tayo na hindi natin nalalaman ngunit
nalalaman ng iba, may hanganan din ang ating talino.
Minsan.. may nakakasalamuha tayo na kapag sinasalungat natin ang
opinion ng isang tao nagiging dahilan na ng hindi pag-uusap,
nagiging dahilan na ng hindi pagkakaunawaan dahil may mga tao
ding ayaw tumangap ng pagkatalo o ayaw tumangap ng
pagkakamali o ayaw tumangap ng paliwanag ng iba.
!
Para sa akin mas gusto ko yung may taong sumasalungat sa opinion
ko dahil dito tayo nakikilala ng mga nakakarinig o nakakabasa.
Dito nila masusukat ang lalim ng ating pag-iisip.
Dito nila masusukat ang lawak ng ating nalalaman.
Dito nila makikita ang husay nating sa pakikipag-usap.
Dito din natin malalaman kung saan tayo nagkakamali at dito din
nadadagdagan ang ating nalalaman sa pagtangap natin sa opinion ng iba.
Hindi masama ang pakikipagtalo basta gagamitan lang ng maayos
na mga salita bagkus makakatulong pa ito para makapulutan din natin
ng aral para sa susunod pang mga araw. Sa aking pakikipagtalo
iniisip kong mabuti ang aking sinasabi at iniisip kong
mabuti ang kanilang sinasabi isang daan ito para malaman
ko kung saan ako nagkakamali at daan din ito para
sa pagtangap ko ng pagkatalo, at ito din ang daan para
masubukan mo kung hangang saan mo masusukat ang haba
ng iyong pasensiya sa pakikipagtalo.
!
Ang pagtangap ng pagkatalo o ng pagkakamali ay hindi
kabawasan ng ating pagkatao.