Saturday, 10 October 2009

KORAPSIYON

Nalalapit nanaman ang eleksiyon, malapit nanaman ang karapatan
nating pumili ng mamumuno sa ating bansa. Umpisa na naman
upang maloko ang marami nating mga kababayan sa tamis ng
mga dila nitong mga manlolokong kandidato.
!
Ano ba ang batayan natin sa pagpili ng magiging leader ng ating
bansa. Kadalasan ang madalas nating naririnig yung may talino
sino ba yung hindi matalino? Basta kumandidato may talino yan!
Minsan ang ginagawa nating batayan ay dami ng nahawakan na pwesto
sa gobyerno, yan ba ang pupuksa sa mga magnanakaw sa gobyerno?
Maraming hinawakang pwesto
may taglay na kayang katapangan yan? Kaya na kaya niyang
ipakulong ang mga mayayamang katulad din niya?
!
Ilan na bang presedente natin ang inakala nating matalino?
Mga talinong ginamit sa paglimas ng pera ng bayan, may talino
na lalong hindi mapabagsak dahil sa taglay na talino. Yan lang ba
ang tanging batayan natin? Ano ba ang dahilan ng paghihirap
ng mga pilipino? di ba korapsiyon? Tingnan natin ang katauhan
ng mga kandidato kung mababanaag mo ba sa kanila ang
katapangan, Ikumpara mo ang mga tatakbong presedente ngayon
sa mukha ni arroyo, mas matapang pa ang mukha ni arroyo pero
walang nagawa sa mga buwaya, ni hindi nga niya napigilan
ang asawa niyat anak na magsamantala sa pagnanakaw.
!
Halos saang panig ka ng pilipinas korapsiyon ang pangunahing
idinadaing at isinisigaw nating lahat. Halos 95 porsiyento ng mga
pilipino ang sumisigaw na sugpuin ang korapsiyon, parusahan ang
mga magnanakaw sa ating pamahalaan, bakit hindi muna tayo
mag konsentrasyon dito? Bakit hindi ito ang unahin natin.
Sino nga ba ang talagang may kakayahan na ipakita ang katapangan?
upang mautusan niya ang batas, sino ba ang may kakayahang
gumamit ng kamay na bakal?
Sana tingnan natin yung mga nagawa niya nuong mga nakaraang
panunungkulan nila kung sino ba ang sumusugpo sa mga
sindikato sa gobyerno yan ang tunay na may katapangan.
Subukan naman natin yung tapang hindi yung talino.
Ang pulitiko basta komandidato siguradong may taglay na talino yan!
hindi tatakbong presedente yan kung walang talino lahat yan
may talino, ang kulang sa kanila yung tapang, Sa klase na ng bansa
natin talamak na ang nakawan, kanya-kanyang raket, kanya
kanyang hakot sa pera ng pilipinas.
!
Pagkatapos na naman ng eleksiyon puro nanaman tayo
angal dahil sa korapsiyon, puro nanaman tayo hinaing
bukang bibig nanaman natin nakawan sa gobyerno
bukang bibig nanaman natin maluwag ang batas,
bukang bibig nanaman natin mga buwaya sa gobyerno.
Sa bandang huli puro nanaman sisihan.
!
Subukan naman natin yung tapang
hindi talino.