Saturday, 26 September 2009

TIBAY NG RELASYON

Sa isang relasyon, mahalaga ang respeto, unawa
malasakit at awa. Mga importanteng bahagi ng pagmamahal.
Hindi narin siguro lingid sa atin ang mga bagay na yan, alam
kong alam na nating lahat, basta sinabing pagmamahal andiyan
na ang lahat ng sangkap, ngunit... bakit marami parin ang
hindi nakakagawa ng mga bagay na yan?
Alam lang ba nating sabihin pero hindi natin kayang gawin?
!
Paano nga ba titibay ang isang relasyon?
!
Sa tagal na ng pagsasama namin ng aking may bahay ni minsan
hindi pa kami nag away, ni minsan hindi pa kami nagsigawan
at ni minsan hindi pa kami nagkasakitan, sa salita man o sa gawa.
Pero yung tampuhan hindi maiiwasan natural na sa bawat tao yan.
Unang lingo o buwan naming nagsama ng aking may bahay tinanong ako
ng aking may bahay kung paano ba titibay ang aming pagsasama
yun bang hindi kami magkakagalit o mag aaway. Alam naman natin
na ang isang ugat ng paghihiwalay ay ang "KASALANAN". Iyan ang
dahilan ng pag aaway ng magkasintahan o ng mag asawa. Iyan din ang
magiging dahilan para mawala ang tiwala, paggalang, hanggang mawala
na ng lubusan ang pagmamahalan.
!
Isang bagay lang ang sinabi ko sa kanya para tumibay ang
pagmamahal ko sa kanya at titibay din ang pagmamahal niya
sa akin.
"LAHAT NG AYAW KO HUWAG MONG GAGAWIN"
"LAHAT NG AYAW MO HINDI KO GAGAWIN"
Hangang ngayon, sa tagal ng aming pagsasama
sa bawat naisin naming gawin ipapaalam namin sa isat-isa.
!
Sa pagmamahal...
Huwag mong gawin ang isang bagay na ikagagalit niya.
Ikaw ang unang rumespeto sa kanya
Ikaw ang unang umunawa sa kanya
Ikaw ang unang magmalasakit sa kanya
Ikaw ang unang mag pakita ng awa sa kanya
Huwag mong hintaying ibigay niya ang mga bagay na kaya
mong ibigay sa kanya. Yang mga bagay na yan ang mahirap
niyang makita sa iba asahan mo hindi ka niya ipagpapalit.
Minsan nagtampo siya sa akin, sinabi ko lang sa kanya na
ayaw ko ng nagtatampuhan tayo ng matagal, yon lang hindi
na muling naulit.
!
Isang bagay lang ang kahit ayaw ko pero wala akong
magawa, pag kumalabit, kahit ayaw ko wala akong magawa.
Sigurado wala akong almusal, walang sinangag,
''MAGSANGAG KA MAG ISA MO!!''
!
Pero.. pag napagbigyan mo naman pati mga manok maaga
pa krooookotokotok may almusal agad.
!
Yan din ang kabilin-bilinan ko sa tatlo kong anak
dala-dala nila sa kanilang isipan ang mga bagay na ayaw ko
kaya lumaki silang dala nila kung anong pagkatao meron
kaming mag asawa.
!
Ang panganay kong anak na babae na ngayoy
Assistant Manager sa isang pwesto sa aming bayan,
at ang pangalawa kong anak na lalaki na magtatapos
na sa darating na marso ng kursong Criminology
at ang bunso kong anak na nagmana sa akin ng
mga katarantaduhan at nasa kanya na lahat ng katigasan
ng ulo at kapilyuhan buwisit!