Sunday, 13 September 2009

SA ARAW NG PASKO


Ilang araw na ang nakalilipas nakatangap ako ng isang tawag
mula sa pilipinas, isang ginang ang tumawag sa akin upang
kumustahin ang kaniyang asawa na halos mag dadalawang
buwan na raw na hindi nakikipag usap sa kanila.
Dahil kilala ko yung lalaki, minarapat nung ginang na ako
ang kausapin upang maiparating nila ang kanilang pag aalala,
pangungulila sa asawang nakalimot na sa kanyang responsibilidad.
Ayaw ko sanang isulat dito, sinubukan kong kausapin ang lalaki
ngunit hindi ako pinakikingan at hindi na muling nakikipagkita
sa akin. Minarapat ko nalang isulat dito, alam kong nababasa
niya ito.
!
Kaibigan para sa iyo ito,
Noong nasa pinas ka pa kasalukuyan kayong nakikibaka sa hirap
ng inyong pamumuhay, kasama mo ang iyong butihing maybahay
na sinusuong ang hirap ng inyong pamumuhay. Sa konting
kaligayahan na binibigay mo sa iyong asawat mga anak
inuunawa ka nila dahil alam at tangap naman nila kung ano
lang ang kaya mong ibigay sa kanila. Sa konting kaligayahang
ibinibigay mo sa kanila hindi ka nila iniiwan dahil alam mo kung
gaano ka rin kamahal ng iyong asawat mga anak.
Nung nabalitaan mo na isa ka sa mapalad na makaalis
dahil narin sa tulong ng pagdarasal ninyong mag asawa
pinakingan ang inyong panalangin.
Alam mo bang ang unang-unang natutuwa ay ang iyong
asawat mga anak? Dahil iyan na ang pagkakataon ninyo na
makaahon kayo sa hirap, iyan na ang pagkakataon mo na
mabibigyan mo narin ng kaligayahan ang iyong asawat
mga anak. Tuwang-tuwa ang iyong asawa
dahil kahit papaano mabibigyan nyo narin
ng maayos na kasuutan ang inyong mga anak.
!
Ngayong andito ka na... abot mo na ang kaligayahang
matagal nyo ng pangarap ngayon mo pa sila iiwan.
Ngayong nalalasap mo na ang kasaganaan sa iba mo pa
ibinibigay. Yang bago mong kinakasama ang binibigyan mo
ng kaligayahan kaysa sa sarili mong pamilya? Ipinagkait mo
sa mga anak mo ang mga pangarap nila, ipinagkait mo
sa iyong asawa ang kaligayahang ngayon lang nila matitikman.
Hindi ka ba naawa sa asawa mo't mga anak?
Alam mo ba kung gaano kasakit ang ibinibigay
mo sa kanila ngayong pasko?
Masaya ka sa piling ng bago mong minamahal
habang ang asawa't mga anak mo umiiyak. Iniwan mo
ang sarili mong pamilya sa gitna ng karagatan na walang
sagwan, walang makain, walang matakbuhan.
!
Kumakain ka ng masarap... hindi mo ba naiisip
kung kumakain din ba sila ngayon?
!
Masaya ka ngayon... hindi mo ba naiisip kung baka umiiyak
ang pamilya mo ngayon?
!
Iisa lang ang binangit niya sa akin
MERRY CHRISTMASS DAW
yan lang... umiiyak na siya.
!
Ngayong paskong darating nakikita ng asawa't mga
anak mo sa kanilang isipan na masaya ka sa araw
ng kapaskuhan.

Sana...
Sa paskong darating makita mo rin sa iyong isipan ang
larawan ng iyong asawa't mga anak.
!
IKAW ANG KALIGAYAHAN NILA
SA ARAW NG PASKO
!
Tawagan mo sila, kumustahin mo pamilya mo
baka.. "NAGUGUTOM".