Thursday, 9 July 2009

RESPECT

Nagkita kami ng isa sa iginagalang kong kaibigan kahapon
Marami kaming napag usapan,
Isa sa mga kinuwento niya sa akin ang sobrang
ikinatuwa ko, hangang sa pagtulog ko
napapangiti ako kapag naiisip ko yung isang
kwento niya sa akin, tungkol sa salitang
"RESPETO"
Maraming paraan para maipakita natin ang ating
respeto. Respeto sa mga parents natin, sa kapatid,
Respeto sa kausap, respeto sa matanda at kung
minsan kailangang irespeto rin natin ang nakababata sa atin.
Nais kong i-share sa inyo ang narinig ko mula sa aking kaibigan.

Isang bata ang pumasok sa isang restawran
Lumapit sa kanya yung isang waitress
Tinanong yung bata kung anong gustong kainin
Sumagot yung bata
Magkano yung Ice cream ninyo? yung flavor of the month?
35 pesos (sagot ng waitress)
Binilang nung bata yung barya niya,
kaso medyo kulang yung barya nung bata.
(nagtanong uli yung bata) "meron po ba kayo yung medyo mura lang
na ice cream?"
Meron, 25 pesos (sagot nung waitress)
Binilang uli nung bata yung barya niya, kulang parin
habang nagtatanong yung bata sa waitress sumisigaw na
yung ibang costumer sa waitress, hangang sa isang babaeng medyo
may edad na ang lumapit sa waitress at pasinghal
na sinigawan yung waitress
"Ano ba aasikasuhin mo ba kami o hindi!"
Nakikiusap yung waitress na "sandali lang po mam kasi
nauna po kasi itong bata.
Dahil sa pinakitang paggalang ng waitress sa isang bata
na tulad niya,
inabot na lang nung bata ang lahat ng baryang hawak niya
"Ate... bigyan mo nalang ako ng ice cream na abot ng
halaga ng baryang iyan.
Patakbong sumunod yung waitress na kumuha ng ice cream
na kasing halaga ng inabot nung bata.
Bago lumayo yung waitress sa bata tinanong nung
bata yung tunay na pangalan nung waitress
Pag katapos lumapit na yung waitress sa ibang
costumer na nagmamadali
Nung matapos kumain yung bata ng ice cream
tumayo yung bata merong iniwan na munting papel sa
ibabaw ng lamesa
Pag balik ng waitress sa lamesa nung bata para iligpit
ang pinagkainan nung bata nakita nung waitress
isang checke na nagkakahalaga ng 100,000 pesos na
nakasulat sa pangalan niya ang iniwang tip nung bata sa kanya.
Humaguhol ng iyak ang abang waitress
Ang batang naging kustomer niya anak pala ng isang milyonaryo
na may sariling account.
Isang gantimpala ang natangap niya sa respetong pinakita niya
sa isang bata na.. kahit ikaw siguro mismong nagbabasa ay hindi mo
magawang gawin.

Isang uri ng respeto sa kausap, respeto sa costumer
at respeto sa bata ang pinakita ng waitress dito sa aking kuwento.

IPAKITA NATIN ANG RESPETO MO SA KAPWA
TULAD NG PAGRESPETO NATIN SA ATING SARILI

11 comments:

  1. oo nga, minsan sa simpleng respeto na binibigay natin sa iba ay meron talagang gantimpala, hindi man sa cheke pero meron yan, hindi lang natin napapansin kung ano yun..

    Naniniwala naman kasi ako sa Karma, hindi lang sa bad karma kundi na din sa good karma..

    nice post!

    ReplyDelete
  2. kaswerte naman nung waitress.

    ReplyDelete
  3. True story ba yan? Galing naman! Tama tama. Respeto. :)

    ReplyDelete
  4. Respeto lang naman talaga ang kelangan ng bawat isa sa atin...kung meron siguro tayo lahat nito ang saya ng Pinas...

    Taka lang ako, san nakuha ng bata ung tseke at 100,000? lolzz

    ReplyDelete
  5. Totoo po yan ang pinaka importante sa ating lahat yan ang kailangan hindi mawala sa ating pagkatao ang respeto sa kapwa.

    salamat po sa pagbisita ninyo at sa komento parekoy kheed, chikletz, camille ang lord cm

    haha parekoy lord maaring anak pala ng isang milyonaryo yung bata na may sariling acount. thanks parekoy

    ReplyDelete
  6. Kayang magbigay ng respeto sa kapwa kung sa sarili meron ka nito...

    ReplyDelete
  7. very meaningful....
    ito yung blog na may sense...

    nice!

    ReplyDelete
  8. salamat seaquest totoo yan seaquest kung may respeto sa sarili kaya din magrespeto sa kapwa

    maraming salamat din kay miss bea trisha nakakataba po ng puso ang sinabi ninyo sa isang blogger na tulad isang malaking award po para sa akin ang laman ng inyong sinabi tungkol sa blog ko po.. tunay na nakakatuwa salamat po uli mabuhay po kayo.

    ReplyDelete
  9. galing naman post mo pare,tama respeto. yung mga kapatid ko wlang respeto sakin ang buset.

    mkatambay nga sa mga restaurant bka may magiwan dn ng cheke,haha mkkpagunahan ako sa mga waitress,lols

    ReplyDelete
  10. oo nga kailangan natin ng respeto sa isa't isa lalo na sa magasawa para manatili ang pagmamahalan. kc kung wala ng respeto sa isa't isa nawawala na din ang pagmamahalan..yan ang madalas na maging problema ng mga mag asawa ngayon. kaya kami ng asawa ko nanatili ang respeto sa isa't isa.

    lahat tayo dapat magrespetuhan. ^_^

    PLACES, PEOPLE EVENTS, GOOD FOOD AND MY LIFE- mymeryl.com

    ReplyDelete
  11. salamat parekoy hari ng sablay
    haha wag mong pagbibigyan ng pera mga kapatid mo haha

    hi mer salamat sa pagbisita yan ang importante sa mag asawa yung respeto kaakibat ng pagmamahal yan.

    ReplyDelete