Thursday, 23 July 2009

HAPPINESS


Ano ba ang tunay na kaligayahan?
Paano ba ang maging maligaya?
Bakit yung may pera nakakaramdam din ng kalungkutan
Naniniwala ako na makakaramdam ka ng tunay na kaligayahan
kung gumawa ka ng mabuti sa kapwa
Makakaramdam ka rin ng tunay na kaligayahan
kung sinuklian ka din ng kabutihan ng iyong kapwa.

Naalala ko nung minsan akong nagbakasyon sa pinas
nakatambay ako sa harap ng aming tahanan
nagmamasid sa mga nagdadaan
Nakita ko ang mag lola na dadaan sa harapan ko
akay ni lola ang apo niyang babae na nasa anim
na taong gulang. Habang padaan sila sa harapan ko
may dumaang natitinda ng sorbetes habang naglalakad
ang mag lola kinakalabit nung bata ang kanyang lola nagpapabili ng
sorbetes ngunit dahil sa kahirapan ng buhay hindi maibili ng lola
ang kanyang apo ng sorbetes. Narinig ko ang sinabi ng matanda sa
sa kanyang apo. Wala tayong pera apo, yon lang at tumahimik na yung
bata. Tinanong ko yung lola,
Bakit po lola? (sumagot yung matanda) Itong apo ko nagpapabili
ng sorbetes wala naman kaming pera, birtdey pa naman niya
ngayon, Masyado akong nadala sa sinabi ni lola, sa halagang
limang piso wala siya sa bulsa, samantalang yung iba hindi malaman
ang gagawin kung saan gagastusin ang pera. Tinitingnan ko yung
mag lola habang papalayo, sobra akong naawa sa maglola
Tinawag ko yung nagtitinda ng sorbetes. Pare magkano yang
sorbetes mo? limang piso kuya, walong piso kung kasama tinapay
Magkano lahat yang sorbetes mo kasama tinapay?
350.00 kuya 300 na lang para sa iyo. Sige, nakikita mo ba yung
mag lola na naglalakad? (tanong ko sa nagsosorbetes) oo kuya,
Sundan mo at ibigay mo sa kanila yang lahat ng sorbetes mo birtdey
nung bata, eto yung bayad 400,00 yung isang daan ibigay mo
dun sa bata ha! oo kuya! Natuwa ang buong pamilya nung bata
nakatikim pati mga kapatid at magulang nung bata
kahit ang mismong nagtitinda ng sorbetes ay natuwa sa aking ginawa
kasama ng halos lahat ng kapitbahay nung bata natuwa sa aking
ginawa, kinahapunan bago magtakip silim inimbitahan ako ng
ama na bumisita sa kanila at pinaghanda ako ng tinolang manok
gusto nila akong makita, gusto nila akong makilala kasama ng
kanilang mga kapitbahay. Ang sarap sa pakiramdam kapag
sinusuklian ka ng kabutihan at paggalang.

When you make someone happy, you become happy,
and then people try to make you happy.

Habang akoy nabubuhay hindi nila makakalimutan ang
nagawa ko sa kanila.

Many people balieve that the path to happiness is by doing
for others.

Treat people the way you want to treat you

ANG KALIGAYAHAN AY NASA ATING PUSO

10 comments:

  1. naks naman parekoy, isa ka talagang anghel sa lupa,hehe iba talaga ang filing ng may natutulungan at nkakapagpasaya ng tao,


    may hihilingin sana ako pre... malapit na rin ang bday ko gusto ko sana ng ice cream eh,wala akong pambili, wala lang nasabi ko lang.

    ReplyDelete
  2. wow..bait bait naman..hehe Ü tama po yan,sana dumami pa tayo(mabait din ako!Ü) dito sa earth..pero mas maganda kung lahat ng tao katulad mo kuya..kapag nangyari un,everybody happy!Ü

    at tama ka po sa mga sinabi mo,ang tunay na kaligayahan ay yung kaligayahang nararamdaman mo kapag tumutulong ka sa kapwa mo..Ü

    ReplyDelete
  3. haha parekoy sablay slamat hinihintay ka don sa tahanan ng pinoy kaylan ba b-day mo? jalibi nlang haha slamat parekoy

    @ superjaid salamat din sa pagbisita

    minsan sobra din lang ng konti yung kligayahan natin ibahagi din natin sa iba. ang nasa itaas ang bahalang magbigay ng regalo sa atin asahan mo darating yan superjaid. thanks

    ReplyDelete
  4. baeeet, sana kunin ka na ni Lord, kasi pag nagtagal ka pa baka mademonyo pa hehehe "joke"....goodwill...sabi ko nga lagi nasa tao lang kung pano mo gagawing maligya ang buhay kahit pa sabihing sandamukal na problema pa ang dumating kung dadalin mo ng magaan bah, maligaya pa rin...

    ReplyDelete
  5. magbbirthday din pala ko palibre na rin ng ice cream pero medyo maarte ako inaamin kona po ayoko ng ice cream ipot eh selecta or magnolia lang ako hehehee....

    ReplyDelete
  6. wow ang bait mo naman...kahangahanga. sana sa birthday ko bigyan mo din ako ng sorbetes.^_^

    ReplyDelete
  7. Jettro nakaka tats naman ang iyong ginawa.

    Pwede mo rin ba akong bilihan ng sorbetes? Sige na naman please :-D

    Seriously, sabi nga actions speaks louder than words. Hindi sapat ang maawa lang tayo at ang equation ng kabutihan ay nasa actong paggawa para mag karoon ng final solution. Hanga ako sa ginawa mo kabayan! Chos!

    ReplyDelete
  8. engeng ice cream jettro :D

    tama, ang tunay na kaligayahan ay matatamo sa paraan na pagtulong sa kapwa na walang hinihinging kapalit.

    ReplyDelete
  9. naku! dumami ata inaanak ko ngayon malamang sa huli ako nlang ang magtutubig haha

    salamat seaquest, salamat merlyn,
    parekoy jepoy salamat
    sa pagbisita ninyo
    napapalitan pa nman yung pera
    pero yung pagtulong minsan lang
    gawin na natin.

    salamat chikletz sa pagbisita balita ko malapit ka na ikasal

    ReplyDelete
  10. Wow baet talaga! Kung kakandidato ka iboboto talaga kita. pramis! para lahat makatikim ng pa ice cream mo. hehehe
    Strawberry nga pla ang favorite ko, sinabe ko na rin baka bigla ka matuwa at mag pa ice cream ulit.haha

    ReplyDelete