Tuesday, 23 June 2009

WALANG MAGAWA

Andito nanaman ako.. matagal-tagal din akong hindi napasyal dito sa blog ko mula pa kahapon.
Nabubwisit ako kahapon kaya hindi ako makapag sulat ng maayos dito sa hangout ko, kahapon kasi ng umaga balak kong mamasyal sa mall kahit walang pera basta makapamasyal ok na sa akin basta makapag relaks. Alas siyete ng umaga nagbihis ako ng medyo maganda sa paningin ko dahil nga mamamasyal ako. Napansin ko medyo gulo-gulo ang buhok ko bihira kasi ako maligo nag punta ako sa room ng kasama ko may nakita akong strawberry jelly akala ko pamada nilagay ko sa buhok ko.. kahit saan ako pumunta may langaw.

Kasalukuyan akong naglalakad nasalubong ko itong kaibigan kong si dok.
Dok! mukhang malungkot ka ah? (tanong ko sa kanya)
Oo pre.. natangal ako uli sa trabaho ko.
Bakit naman natangal ka uli?
Nahulog yung jeep na minamaneho ko sa palayan, may nasalubong akong bisekleta, eh kaskasero yung driver ng bisekleta tapos tingin ko pa dalawa sila, ako ang umiwas ayun nahulog yung minamaneho kong jeep sa palayan. Ang laki tuloy ng gastos don, kasi nga natangal yung gulong sa unahan tapos nabasag yung salamin sa unahan, tapos naputol yung side mirror, tapos nayupi yung bubong ng jeep kasi nga bumaligtad, tapos yung sterio ko napasukan ng tubig, tapos yung mga palay pa na nasira, hayyy dami nga nasira... pero kung dineretso ko nalang sana yung bisekleta lang babayaran ko.

Alam po ninyo... itong si dok, richard gomes po ang tunay na pangalan nitong kaibigan ko, dok lang ang tawag sa kanya.. kasi nga duling, tapos driver pa ng jeep.

Pinayuhan ko nalang itong si dok, sabi ko sa kanya...

"Pre, dapat kasi humanap ka nalang ng ibang pagkakakitaan, humanap ka ng ibang trabaho".

(sumagot si dok) Ano naman ang aaplayan ko! eto lang naman ang alam kong trabaho, driver.

Mabuti pa pre mag boksing ka na lang kaya!
(Nagalit siya sa akin kasi tumalim yung tingin niya sa akin)

Paano naman ako mag bo-boksing! gusto mo yata akong magulpe ah! (pasigaw na si dok)

Iniwanan ko nalang si dok kasi nga medyo nagagalit na sa akin, sinabi ko lang na magboksing nalang siya... masama ba yong payo ko?

Nagpatuloy ako sa paglalakad hangang abutin ako ng dilim, nasalubong ko yung isang gurly na crush ko, niyaya ko siyang mag dinner. Habang kumakain kaming dalawa nung fren ko na gurly may nakita akong kulangot sa taas ng kanyang labi, para hindi siya mapahiya, sinabihan ko na lang siya. ""che che may kanin ka sa taas ng labi mo, sukat ba namang inabot ng dila niya tapos kinagat-kagat sabay lunok sabi pa niya sa akin"",
""Ikaw naman, hindi naman kanin eh, ulam!""
Jusko po! hindi na ako umimik, andon na eh.

12 comments:

  1. ipa boksing ba..lolz!

    kasarap din ng ulam. yikes..hahahaha!

    ReplyDelete
  2. hahha ganda nang adbentyur mo bro haha halo halo talaga... Oh My Gulay.. aheheheks...

    ReplyDelete
  3. Dokleng ka pala pre eh!!!Ulam nga daw yun at hindi kanin!!!lolzz

    ReplyDelete
  4. hehehe mag boksing nlang dapat si dok para lagi siya ang tamaan...

    sarap ng ulam hehehe special yon...

    ching

    ReplyDelete
  5. wahahaha anak ng tokwa halos mabaliw ako sa kakatawa dito. haha

    salamat dito, whooo... sumakit tiyan at ulo ko dun

    ReplyDelete
  6. hahaha ako din habang sinusulat ko ito halos mluha ako eh hayyy

    salamat sa inyong lahat sa mga comments nyo. hindi ko nga mkalimutan yung ulam hindi ko na nahabol ang bilis ng pangyayari eh.
    hayyyy susko.

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. ULAM?! hahaha! winner ang gurly friend mo! whooo! turn-off!

    malay naman naten may future si Dok sa boxing..kung si pacquaio nga malapit na sa future ng pagiging kagaya ni Dok eh, hehehe! Joke! Peace!

    PS: kinikilabutan ako habang nagbabasa ng nakakatawang post na ito dahil dun sa gagamba....nyiii!

    ReplyDelete
  9. naku miss peppermayo hindi nman lalabas yan.. salamat sa pagbisita ha ganon din kay pickleminded

    ReplyDelete
  10. Eh sa masarap nga naman yung ulam eh..hehehe...

    ReplyDelete