Tuesday, 28 April 2009

TUNAY NA PAG-IBIG



Meron akong natatanging kwento na.. maaring kapupulutan ng aral sa atin, maari din itong nangyayari o mangyayari sa hinaharap. Isang kwentong pag-ibig na.. tumutugma sa kasabihang.. ''HAHAMAKIN ANG LAHAT.. MASUNOD KA LAMANG.

Isang babae na papangalanan kong ''AMIE'', ang magbibigay ng buhay sa aking kwento, Kung saan iniwan niya ang kanyang mga anghel masunod lang ang taong sa tingin niya ay lubos na magpapaligaya sa kanya.

Sino ba ang lubos na mag papaligaya sa atin? Eto po basahin natin.

Si amie ay isang biyuda na iniwanan ng tatlong anak, dalawang babae at isang lalaki. babae ang panganay na nasa pirst yir hayskul pa lamang, ang sumunod ay lalaki at ang bunso ay babae na nasa grade two pa lamang. Si amie ay nagkaroon ng kasintahang binata.. mahal siya nung lalaki at masasabi ko ring mahal ni amie ang kanyang kasintahan. Unang-una.. sa kabila ng kanyang kalagayan na may tatlong anak nagawa pa rin siyang mahalin nung lalaki. Maganda ang samahan at pagtitinginan nilang magkasintahan. Nagkakilala silang dalawa sa bansang saudi arabia kung saan namamasukan bilang domestic helper si amie at ang kanyang kasintahan naman ay namamasukan bilang machine operator sa isang malaking kompanya.

Habang lumilipas ang mga araw.. lalong lumalalim ang kanilang pagmamahalan kahit alam ng lalaki na meron nang anak si amie. Sa paglipas ng panahon.. ipinasya ng lalaki na pakakasalan si amie, ngunit... sa isang kondisyon. Anong kondisyon? (''tanong ni amie sa kanyang kasintahan'') Pakakasalan kita pero... iiwan mo ang iyong mga anak! sa akin ka sasama. Shock si amie.. hindi makapagsalita.. hindi malaman ang gagawin.. at hindi alam kung anong sasabihin. Ilang araw na pinag-isipan ni amie ang kondisyong iyon. Halos manghina siya sa gagawin niyang desisyon. Mahal niya ang kanyang mga anak.. ngunit, mahal din niya ang kanyang kasintahan lalo pat binata ito na minahal siya sa kabila ng lahat na mayron na siyang tatlong anak. Ipinasya ni amie na sundin ang kagustuhan ng kanyang kasintahan, tutal.. andon naman ang kanyang mga anak sa piling ng kanilang lola na ina ng kanyang yumaong asawa.

Nagpakasal si amie sa kanyang kasintahan.. namuhay silang dalawa na maayos at nagmamahalan.. kahit minsan dumarating din sa kanilang dalawa ang di pagkakaunawaan. Pag aaway na kakambal na ng isang magasawa. Lumipas ang panahon, Minsan.. dumarating din sa buhay ni amie ang kasabikang makausap ang kanyang mga anak, makumusta sila.. lalo na ang bunso niyang anak. Iniisip ni amie minsan.. tao rin siya na nanganga ilangan din ng pagmamahal, nanganga ilangan din ng kaligayahan at nangangailangan ng makakasama sa buhay.

Isang araw.. nagkaroon ng pagtatalo kay amie at ng kanyang asawa. Umiiyak si amie habang nakahiga sa kanilang silid, hindi makatulog, paikot-ikot sa kanyang higaan. sumagi sa kanyang isipan ang bunso niyang anak.. "kumusta na kaya ang mga anak ko?" Pinagmasdan ni amie ang kanyang silid.. malinis, maaliwalas, '' kumusta na kaya ang bunso kong anak?" nakakulambo kaya siya ngayon? Isang walong taong gulang na bata iniwan niya, naisip ni amie na... siya na nangangailangan ng kasiyahan sa buhay, ang kanyang mga anak hindi kaya nangangailangan? Siya na nangangailangan ng kalinga ng isang lalaki... ang kanyang mga anak kaya.. hindi ba nangangailangan ng kalinga ng isang ina? Lumabas si amie ng kanyang silid upang kumain.. inilabas niya ang niluto niyang manok kangina... unang subo naalala niya ang kanyang bunso... ''Ano kaya ang inuulam ng mga anak ko?'' Tumayo si amie hindi itinuloy ang pagkain.. dinampot ang selpon at tinawagan niya ang kanyang mga anak.. ang nakasagot ang panganay niyang anak.. ''anak ko.. kumusta na kayo? ang mga kapatid mo asan sila..?

Inay si nene po may sakit.. (Bunsong anak) may lagnat po!
Ha! ibigay mo sa kanya yang selpon at kakausapin ko siya! ibinigay ni ate sa kanyang bunsong kapatid ang selpon.

Anak! may lagnat ka ngayon anak? (tanong ni amie)
Nay! opo..
Bakit? Anong ginawa mo at nilagnat ka anak?
Kasi po.. Hinabol ako ng aso kangina inutusan ako.. bibigyan daw po ako ng pera pag ibinili ko sila ng pulutan nila. Kaya bumili po ako kasi wala po akong pera inay, natakot po ako sa aso.
Inay... nagugutom po kasi ako... (umiiyak ang bunso niyang anak habang nagsasalita)
Inay... kaylan po kayo uuwi sa amin inay?

Si amie.. hindi na mapigilan ang mga luha sa kanyang mga mata.

Kumain ka na ba anak?

Hindi pa po.. kasi naalala ko po kayo inay.
Inay... giniginaw po ako.
Anak uminom ka na ba ng gamot anak?
Ayaw ko po.
Bakit anak?
Gusto ko.. uwi na lang po kayo dito. Kahit wala na po akong pasalubong.. basta umuwi na lang po kayo dito inay. Kasi po.. lagi nila akong pinapagalitan.. palagi po akong pinapalo.
Inay.. pagdating po ninyo.. ibili po ninyo ako ng tsinelas ha. Kasi po.. pumapasok ako ng walang tsinelas.
Sige anak... hintayin mo ako at uuwi na ako anak.. magpagaling ka ha?
Opo inay..

Isang lingo ang lumipas dumating na si amie sa piling ng kanyang mga anak.. nagdesisyon na siyang babalik na lang sa piling ng kanyang mga anak. Mas higit siyang kailangan ng kanyang mga anak. Kung mahal siya ng lalaki.. susunod siya sa kanya.

Sa pag-ibig... walang mas hihigit pa sa pag-ibig mo sa iyong sariling mga anak. Kailangan mo ang iyong asawa pero... mas kailangan ka ng iyong mga anak.

Sa mga nagbabasa... hindi ko na rin po mapigilan ang lumuha sa kwento kong ito.
Marami pong salamat sa inyong pagbabasa.
Sana makapulutan po natin ito ng aral.

5 comments:

  1. hndi ko po mapigilan ang luha ko habang binabasa ko po ito...kasi parang kwento po ng buhay ko..ganyan po ang nangyare samin,ang pinagkaiba nga lang hndi iniwan ng nanay ko yung asawa nya,at hndi nya kami binalikan..hangan sa magkahiwahiwalay din kaming mgakakapatid,,,at hangan sa namatay na yung nanay ko..sa sobrang sama ng loub ng isa kong kapatid di sya umowi ng pinas kahit alam nya patay na nanay namin..sa ngayun buhay pa yung napangasawa nya,at nag asawa na rin ulit ng iba...grabe nagulat po ako ng mabasa ko ito...kasi yan po ang kwento ng buhay ko..at mas marami pang sakripisyo at paghihirap ang dinaanan ko..mr jett nanariwa po ang sugat sa aking puso ng mabasa ko ito...

    ReplyDelete
  2. awwwwwwwwwwwwww nakakatouch ;c

    ReplyDelete
  3. Kakaiyak naman !

    ReplyDelete
  4. Kakaiyak nmn^^

    ReplyDelete
  5. salamat po sa inyong pagbisita at pagbabasa kabayang anonymous pasyal po kayo uli

    ReplyDelete