Friday, 24 June 2016
PAANO MAG TIPID
Marami narin akong napagtanungan, mga taong sanay sa pagtitipid at ayon sa kanila maraming paraan kung paano makakapagtipid.
Unang - una kailangan desidido ka daw talagang mag tipid, kailangan din daw na marunong kang mag budget ng lahat ng pangangailangan sa araw - araw at lagi ang dumaan sa mga lugar na nakakakita ka ng mga bagay na nakakatuksong bilhin dahil isang bagay na makakasira sa plano mong magtipid.
Iwasan din ang masyadong magarbo sa mga pagkain at matuto tayong maging praktikal sa lahat ng bagay kung anong meron ka pag tsagaan, matuto tayong tangkilikin ang mga bagay kung saan tayo makakamura sa mga gadget man o sa mga kasuotan. Kung makakaiwas iwasan muna ang mga kaibigan o kabarkada andiyan kasi ang mga happenings kung saan mapapasubo kayo sa gastusan, sa pagkain, inom, pamasahe at marami pang mapagkakasunduan ng barkada at iwasan din ang lahat ng mga bagay na nakasanayan sa mga nakalipas na mga araw tulad ng sugal, tong-its, bingo at softdrinks, kung dati ay di ka makakain ng walang softdrinks ngayong kailangan mong mag tipid kailangan matuto ka ng kumain ng walang softdrinks at magtyaga sa tubig nalang. Kung dati ay palalabas ka ng bahay ngayon ay matuto ka naring huwag lumabas at manahimik sa loob ng bahay at ibuhos ang lahat ng oras sa mga gawaing bahay.
Alam nyo.. tama at totoo ang lahat ng ipinayo nila sa akin. Alam nyo ba...? Ginawa ko ang lahat ng naipayo sa akin tungkol sa pagtitipid at totoo po ang laki ng natipid ko sa aking pera at alam po ninyo.. ang laki din ng itinanda ko sa itsura.
Biruin ninyo sa loob ng isang buwan lang na hindi ako lumabas ng bahay at hindi uminom ng softdrinks sa araw-araw, hindi sumasama sa mga happenings ng barkada at umiwas sa inom na dati kong ginagawa, at hindi na rin ako bumibili ng medyo mahal pero masasarap at masusustansyang pagkain . Pagkatapos ng isang buwan napansin ko sa salamin ang dami ko ng uban sa buhok, at nakita ko ang pangangatawan ko lumiit, pati yung buntot ko lumiit din kainis.
Kayo nalang po ang magtipid!
Taga payo nalang din ako.