Sunday, 20 July 2014
SIMPLENG BAGAY NA MAHIRAP GAWIN
Ano ang mga simpleng bagay na mahirap nating gawin ngunit kaya naman nating gawin na maari kang hangaan kung magagawa mo sa iba?
Kadalasan ang isang malaking kamalian natin ay ang mag isip lang ng isang napakalaking bagay o napaka-importanteng bagay na magagawa para makakuha ng attention ng ibang tao, kaya sa realidad ang mga maliliit na bagay na maari nating magawa ay hindi natin makuhang gawin.
Ilagay sana natin sa ating isipan na kahit ang mga maliliit lang na bagay ay napakalaki ring halaga para tapunan tayo ng attention ng ibang tao at pag isipan kung anong meron pagkatao at pag iisip meron tayo. Dito sa mundo ay may kanya - kanya tayong imahe na maari nating ipakita o ipakilala sa ibang tao.. Kung paano ka kumilos, kung paano ka mag salita, kung paano ka mag bigay ng mga comento sa mga napapanahong usapin, Kung paano ka mag-respeto sa komento ng ibang tao at kung paano ka mag pakita at mag hundle ng attitude mo sa ibang tao lahat yan ay mga simple bagay na maari nating ipakita o gawin sa ibang tao.
Ang pakikitungo sa tao sa realidad man o sa facebook sa pamamagitan ng ating pagsasalita makakakuha tayo ng puntos para ma-impress natin ang mga tao hindi lang sa kung paano ka magdala ng mamahaling alahas at nag gagandahang mga damit.
Ang isipan ng tao laging kaakibat ang paghuhusga depende sa kung ano ang nakikita nila sa ating sarili o sa ating ginagawa, ang mga simpleng bagay na magagawa mo na maaring makatawag ng attention ng ibang tao ay napakalaking impact sa kanilang isipan. Ang mag bigay ng respeto sa ibang tao ay isang bagay rin minsan na napakahirap gawin lalo na kung nasasapawan tayo ng kagalingan o ng talino ng ibang tao kadalasan dito nag babago ang attitude natin dahil minsan hindi tayo marunong tumangap ng pagkatalo. Binibigyan na natin minsan ng hindi magandang impression ang mga taong nakakahigit sa atin ng talino o sa anu pa mang bagay, isang simpleng bagay din iyan na mahirap nating gawin pero isang napakalaking impact naman iyan na makakamit mo mula sa isipan ng iba kung marunong kang tumangap ng katotohanan at pagkatalo na maari kang hangaan dahil sa magaganda mong pagsasalita kahit nasasapawan tayo ng talino ng ibang tao.
Kahit ang simpleng pagsasabi ng salamat ay isa ding napakahirap nating gawin o ibigay sa ibang tao, ang simpleng pagsasabi ng salamat ay isang bagay na pagpapakilala ng kabaitan ng ating pagkatao, simpleng pasasalamat para ipahatid sa iba na marunong tayong mag-appreciate kahit ng mga simpleng mga bagay na natatangap natin mula sa ibang tao.
Lagi rin nating gagamitin ang ating humor sa ibang tao para mas lalong mapalapit kayo sa isat - isa at lagi nating gagamitin ang smile kung nakaharap o nakikipag usap tayo sa ibang tao, pag papakita lang ng pagiging masayahin natin at pagpapakilala sa iba na friendly tayong tao.
Isang halimbawa na inaakala mong maliit na bagay ay ang pagtangap sa isang tao ano man ang katayuan niya sa buhay.
Kung minsan ang pag kilala at pag tangap sa ano mang talino meron ang ibang tao ay hindi natin matangap sa ating sarili na mas nakakahigit ang talino nila kaysa sa atin, nagkakaroon ng distansya ang pagitan ninyo ng taong nakakahigit sa iyo ng talino, nagkakaroon tuloy kayo ng pagkakataon para hindi mapalapit sa isa't - isa dahil meron balakid na nakaharang sa pagitan ninyong dalawa ang ugaling hindi natin matutunan o hindi natin magawa ang pag-appreciate kung ano meron sila na wala tayo. Hindi natin kayang makipag usap sa mga taong ayaw nating kausapin dahil alam nating mas nakakahigit siya sa ating talino dahil alam nating na sa pakikipag-bigayan ng kuro-kuro ay tiyak na matatabunan tayo isang bagay na ayaw nating mangyari at ayaw nating tangapin ang katotohanan na may mga batang nakakahigit ng talino sa nakakatanda. Kung magagawa natin at matatangap ang mga bagay na ganito mas hahangaan kayo dahil wala kayong pinipiling kausap at may pagkakataon na maibibigay at maipapahayag din ninyo ang mga bagay na hindi nalalaman ng ibang tao. Mawawala ang balakid para magkalapit kayong dalawa at magkaroon ng pagkakataong maging mag kaibigan kayo.
Sana hindi lang ang mga malalaking bagay na gusto nating gawin para hangaan tayo ng ibang tao
Kahit man lang sa mga simpleng bagay lang kung iyan lang ang kaya natin at hindi mahirap gawin para ma-impress natin ang ibang tao... Bakit hindi natin gawin.