Sunday, 30 October 2011

BIBLE OR BIBLIYA


Simula ng akoy nag kaisip hanggang sa mga sumasandaling ito wala pa akong naka - usap na tao lalo na mga pilipino na magtatanong sa akin kung may ''katotohanan'' ba talaga ang bibliya na salita ng diyos?

Ang bibliya nga ba ay tunay na salita ng diyos?
Ang bibliya nga ba ay siyang tunay na pag papatotoo?
Ang lahat ba ng nakasulat sa bibliya ay tunay nga bang mga salitang binitiwan ng diyos?

Kung ating tititigang mabuti at ating babasahin ang isang bibliya.. ano ang mapapansin mo? ''Makapal'' di ba? Makapal dahil sa dami ng nakasulat. Kung ating iisipin.. ganyan ba karami ang salitang binitiwan ng diyos? Ganyan ba siya karami magsalita? Ano ang kadalasang mababasa mong nakasulat sa bibliya? Karamihan ay history ng mga nakaraang tao ang nilalaman ng mga nakasulat sa bibliya. kung ganon.. ang diyos ba ay nag kuwento ng ganon kahaba?

Kung ang bibliya ay pinaniniwalaan mong salita nga ng diyos.. Paano mo ito patutunayan at naniwala ka na ang bibliya ay tunay ngang salita ng diyos? Halos ninety nine porsiyento na mga pilipino ay naniniwala na ang bibliya ay salita ng diyos at isang porsiyento lang siguro ang hindi naniniwala at ako na iyon hehehe. Bakit ako maniniwala na ang bibliya ay salita ng diyos gayong hindi ko naman tuwirang natunghayan at napatunayan na nagsalita or nagsasalita ang diyos. Kung maniniwala ako sa sinasabi ng mga pari at sinasabi ng mga pilipino na ang bibliya ay totoong salita nga ng diyos para ko ng inamin sa sarili ko na mahilig akong maniwala sa sabi - sabi, Para ko ng inamin na wala akong sariling pag iisip, para ko ng inamin na hindi ako marunong mag obserba ng mga bagay - bagay dito sa mundo, para ko ng inamin na mahilig akong sumunod sa paniniwala ng ibang tao, para ko ng inaming mahilig akong maniwala kahit hindi ko napapatunayan, para ko ng inaming hindi ako marunong tumangap ng pagkakamali, para ko ng sinabing habang buhay nalang akong nakakulong sa paniniwala ng iba, para ko ng inaming nakakulong ako sa maling paniniwala, para ko ng inaming hindi ako marunong magbago ng pananaw at para ko ng inaming hindi ako marunong mag isip ng tama at mali. Tama at mali dahil tama ba maniwala ka na totoo kahit hindi mo napapatunayan.

Ang katotohanan.. Ang mga nakasulat po sa bibliya ay hindi totoong salita ng diyos ito ay gawa - gawa lang ng grupong gumagamit sa pangalan ng salita ng diyos para sa pagpapayaman at ang mga pari ang siyang instrumento nila upang magpalaganap ng magpalaganap ng maling paniniwala sa libo - libong madaling maniwala sa sabi - sabi. Kahit ang mga mismong mga pari ay walang maapuhap ng pagpapatotoo na ang bibliya nga ay tunay na salita ng diyos. Nakakalungkot lang at napakaraming mga pilipino ang madali nilang mapaniwala, mga pilipinong nakatali na sa maling paniniwala.

Ikaw ganyan ka ba?
Patuloy ka parin bang maniniwala kahit hindi mo napapatunayan?
Patuloy ka parin bang magbubulag - bulagan sa katotohan?
At
Patuloy ka parin bang magpapatali sa paniniwala ng iba?

Gumising ka kaibigan!

Bukas po ang aking comment box sa mga mambabasa na nais mag share ng inyong nalalaman ukol sa inyong paniniwala pero.. hindi po ako tumatangap ng gumagamit ng ''anonymous''.