May mga taong ang iniisip nila ay lagi nalang silang tutulungan. May mga tao ring ang gusto nila sila nalang ang uunawin. Sa buhay ng bawat isa meron tayong kanya - kanyang buhay, meron tayong kanya-kanyang kalayaan sa bawat nais nating desisyon sa buhay at lahat tayo may kanya-kanya tayong obligasyon sa buhay. Meron kang sariling obligasyon na dapat mong tulungan at dapat mong buhayin.
Ikaw.. Alam mo ba kung ano lang ang obligasyon mo sa buhay mo?
Dapat alam mo rin kung ano-ano ang obligasyon mo sa sarili mo para malaman mo kung ano-ano rin ang obligasyon ng ibang tao sa sarili nila. Hindi nila obligasyon ang buhay mo at hindi mo rin obligasyon ang buhay nila. Hindi nila obligasyong buhayin ka at hindi mo rin obligasyong buhayin sila. Hindi nila obligasyon na tulungan ka at hindi mo rin obligasyong tulungan sila. Hindi nila obligasyong paligayahin ka at hindi mo rin obligasyong paligayahin sila. Ang tanging obligasyon mo sa buhay mo ay ang iyong ama't ina, ang iyong mga anak at asawa at ang iyong sarili lang ang obligasyon mong tulungan at paligayahin wala ng iba pa.
Kaya kung halimbawang nanganga-ilangan ka ng kalinga or nanganga-ilangan ka ng tulong huwag mong obligahin ang ibang tao na tulungan ka. Tulungan ka man o hindi nasa kanilang desisyon iyon kung nais ka nilang tulungan. Kung halimbawang hindi ka nakatangap ng tulong mula sa ibang tao wala kang karapatang magalit or magtampo sa kanila dahil hindi nila obligasyong tulungan ka. Tangapin mo na maluwag sa kalooban mo, dahil ikaw ay may sariling buhay at may sarili rin silang buhay. Pairalin mo lang yang isip mo para alam mo kung hanggang saan lang ang obligasyon nilang gawin sa iyo at ganon din ang ibang tao.
Tandaan mo... wala silang obligasyon sa buhay mo at wala karing obligasyon sa buhay nila.