Nais kong isulat ang isang pinaka-importante sa buhay nating lahat ang ina ng tahanan. Pero pinamagatan ko itong ''Babae ano ka sa buhay ng lalaki''.
Sana mabasa din ito ng mga kalalakihan na minsan ang turing natin sa mga kababaihan ay para bang isang laruan, kung minsan tinatrato pa nating parang hayup kung saktan nalang natin ganon-ganon nalang palibhasa alam nating hindi makakabawi ang lakas ng isang babae kung ikukumpara sa ating mga lalaki ang tanging panlaban nalang nila ay ang umiyak. Kung minsan ang turing natin sa kanila ay parang mga bata na kung sigawan mo ganon-ganon nalang na akala mo parang asong susunod sa iyo. Kung minsan kung pagsalitaan mo ng masasakit na salita ganon-ganon nalang na parang inaakala mo na rebulto sila na walang damdamin na tulad mo. Isauli mo nalang siya sa kanyang mga magulang dahil anak siya na pinalaki sa pagmamahal at inaruga ng kanyang amat ina kinuha mo para gawin mong hayup. Tao din sila na tulad mo may damdamin na marunong masaktan, marunong umiyak at nangangailangan din ng pagmamahal na tulad mo. Ang isang babae ay handang ilaan ang buhay para sa iyo sana ilaan mo rin ang buhay mo para sa kanya. Hindi madaling tangapin ng kanyang mga magulang na ang kanilang anak na pinalaki sa pagmamahal tinatrato mo lang na parang hayup. Hindi dahil ikaw ang bumubuhay sa kanya maari mo ng gawin ang lahat ng nais mong gawin sa kanya kahit alam mong nasasaktan na ang kanyang damdamin sa mga ginagawa mo, sa mga salita mo.
Karamihan sa mga lalaki magaling makitungo sa ibang tao, magaling makipag-usap sa ibang tao, mabait sa ibang tao, magaling mag bigay ng advice sa ibang tao.. pero pagdating sa sariling tahanan doon lumalabas ang kabulukan ng ugali, doon lumalabas ang kabulukan ng pag iisip, doon lumalabas ang mga masasakit na salita na hindi niya magawang sabihin sa ibang tao dahil baka isarado ang mukha niya.
Mapalad ka lalaki na kahit gaano kasakit ang ginagawa mo sa babae hindi ka parin iniiwan sa kabila ng lahat ng ginagawa mo sa kanya.
Pero... Huwag mong asahan na habang panahon siyang magtitiis sa ginagawa mo. Idalangin mo lang na wala siyang makilala na mas nakahihigit sa iyo.. hindi siya magdadalawang isip na iwan ka.