Kadalasan, umiinom akong mag-isa hanggat maari ayaw kong uminom ng may kasama ako. Mas komportable ako kung nag iisa akong umiinom dito sa kuwarto ko. Meron akong dimlight na nagsisilbing liwanag sa kapaligiran ko, ayaw ko din ng masyadong maliwanag kung umiinom ako, ewan ko ba! Kadalasan kung katabi ko kasintahan ko, sa tuwing nakainom ako at nakikinig ng mga ganitong awitin hinihiling ko sa kanya madalas na isasayaw ko siya, sa tuwing tinatangihan niya ako sa kahilingan kong isayaw siya lumalabas ako at doon ako umiinom sa labas. Ayaw ko minsan yung tinatangihan ako sa simpleng kahilingan ko, madali akong magtampo, asahan mo hindi ako umuuwi ng bahay sa kapitbahay ako madalas matulog pag nagtatampo ako. Pag gusto ko yung music gusto kong isinasayaw ng sweet yung mahal ko.
Ang isa pang nakahiligan ko lalot ganitong nakainom ako, gusto kong humalik sa kilikili. Yan ang isang pinakagusto kong halikan sa isang tao, ang humalik sa kilikili. Subukan mong tangihan ako maghapon mo akong hindi makikita o makaka-usap.
Kahit ang mga naging girlfriend ko yan ang unang-una kong hinihiling sa kanila ang humalik sa kilikili. Gustong-gusto kong humalik sa labi at sa kilikili. Pero.. ang gusto ko sa unang halik ko sa kilikili bago sa labi.
Wala akong hilig makikain sa mga handaan kasalan man o binyagan o bertdehan nakakain ko rin sa bahay yung handa sa bahay nalang ako kakain.
Hindi ako mahilig lumabas or tumambay sa labas mas masaya ako kung narito lang ako umiinom mag isa habang nakikinig ng music. Kung halimbawang nais kong lumabas lalo pag nasa pinas ako madalas naka single motor ako, malayo nararating ko singlayo ng nararating ng isipan ko yan ang isang nakahiligan ko ang mamasyal habang naka bara ang headphone sa tenga ko. Mahilig akong tumambay sa mga park habang nakikinig ng music, kahit nag-iisa akong naka upo sa park masaya na ako. Nakahiligan ko na ang nag-iisa. Mas gusto ko pa yung nag-iisa kaysa yung may kausap na puro walang kabuluhan ang pinag uusapan.
Hindi ako mahilig sumunod kung anong uso, kahit sa anong bagay na napapanahon hindi ko binibigyang halaga, kung anong bagay ang nagpapangiti sa isipan ko iyon ang ginagawa ko. Hindi ako tumitingin kung anong bago or kung anong luma basta ginusto ko iyon ang kinukuha ko. Hindi ako mahilig humawak ng cellphone, may cellphone ako pero nasa kuwarto ko lang hindi ko binubulssa, ayaw kong magdala ng cellphone kahit noon pa, ayaw ko lang na ipaalam kung nasan ako. Minsan perhuwisyo yang cellphone hindi ka makatago. puro return call ako madalas. Wala akong hilig mag suot ng relo sa kamay, may relo ako casio nasa bulsa ko lang tinangal ko pinaka bracelet.
Ang ayaw ko lang sa pagkatao ko.. yung pagiging prangka ko, yan ang hindi ko mapigilan sa sarili ko, pero.. nasa tama, malalim akong magsalita, masakit, pero totoo. Maraming nagsasabi sa aking masakit akong magsalita, masakit hindi dahil masama, masakit dahil diretso sa tinutukoy, ayaw ko ng paligoy-ligoy na salita o paligoy-ligoy na usapan. Masakit dahil totoo. Minsan.. masakit pakinggan ang katotohanan, masakit dahil ayaw nilang tangapin ang katotohanan sa kanilang sarili. Kung galit ako wala kang maririnig sa akin kahit anong salita, sa mata mo ako mahahalata kung galit ako dahil hanggat maari iniiwasan kong magsalita dahil masakit akong magsalita. Kung hindi ko na kaya tumahimik kung galit ako saka ako magsasalita, pero.. ihanda mo sarili mo dahil masasaktan ka pag ako nagsalita. Malalim akong mag-isip, madalas pag nag iisa ako malayo nararating ng isipan ko, mahilig akong mag-isip, mahilig akong mangarap. Madalas nangangarap ako, iniisip ko kung ano ang bukas. Malawak ang pang-uunawa ko sa isang bagay, malawak ang pang-uunawa ko lalo sa isang tao. Hindi ako basta-basta nanghuhusga ng tao. Pinag-iisipan ko ang bawat ginagawa ko, pinag-iisipan ko ang isang tao kung bakit minsan nakakagawa siya ng isang bagay na nakakasama sa ibang tao o nakakasama mismo sa kanyang sarili. Ayaw ko na may inaaping tao, madali akong maawa sa isang tao dahil mababa lang ang kalooban ko, matigas lang ang kalooban ko kung matigas din ang kalooban mo.
Kung makaharap kita ng personal pag-iisipan kita, aarukin ko ang pagkatao mo sa pamamagitan ng mga binibitiwan mong mga salita. Kaya kong arukin kung anong pagkatao ng isang tao. Maraming nagsasabi sa aking suplado akong tao, ewan ko sa sarili ko, kung makikita mo ako pag-iisipan mo ako dahil tahimik akong tao kung sa una mo ako makikita. Madalas naka-upo lang ako sa isang tabi. Hindi ako mahilig tumingin sa mga dumadaan sa harapan ko, basta naka-upo ako nag-iisip ako, mahilig lang talaga akong mag-isa. Pero.. kung makilala mo ako kuwela akong tao. Kung ako ang kausap mo iwasan mong mag kuwento sa akin ng tungkol sa isang tao, ayokong ikukuwento mo sa akin ang kapintasan ng ibang tao dahil lalayuan kita. Mas gusto kong ikuwento mo sa akin ang karanasan ng ibang tao huwag lang ang kapintasan ng ibang tao, dahil ang paniniwala ko kung yung iba naikukuwento mo yung kapintasan nila.. sigurado ikukuwento mo rin sa iba kapintasan ko.
Sa pagmamahal hindi ako tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ang unang tinitingnan ko kung anong ugali meron ang isang tao. Ayaw ko ng taong nang-uuri ng kapwa, ayaw ko ng taong mapang-api, ayaw kong tao yung mapang mataas, pala-puna ng kapwa at higit ayaw ko sa taong mapang-tanim ng sama ng loob, ayaw ko ng mataas ang pride dahil mababa rin ang pride ko ayaw ko ng matagalang tampuhan. Higit sa lahat ayaw kong gawin sa kapwa ko ang ayaw kong gawin sa akin.
Kaya kong gawin ang lahat kahit kahihiyan basta nasa tama lang ang ginagawa ko, hindi ko iniisip ano man ang sabihin ng tao ang katwiran ko hindi sila bumubuhay sa akin.
Hindi ko kinahiligan ang humingi ng tulong sa iba, kadalasan sinasarili ko kahit anong problemang kinakaharap ko sinasarili ko lahat, ayaw kong humingi ng tulong. Katwiran ko.. sila din may problemang kinakaharap paano pa ako hihingi ng tulong sa kanila? Pag hindi ko kaya ang nararanasan kong problema madalas umiiyak akong mag-iisa dahil iyan lang ang makakatulong sa akin ang maibsan ko ng konti ang nararamdaman kong sama ng kalooban. Totoo.. iyakin ako minsan, kaya nga halos ayaw kong makakita ng taong umiiyak. Sa tanang buhay ko wala pa ako ni isang tao na pina-iyak. Dahil alam ko kung anong nararamdaman ng taong umiiyak. Hindi ako yung tao na pinapahalagahan ang sasapiting kahihiyan, ang mahalaga sa akin ay magawa ko kung anong makabubuti sa aking sarili o makabubuti sa mga mahal ko sa buhay kahit na anong kahihiyan ang sapitin ko. Hindi ko iniisip kung anong sabihin sa akin ng mga tao sa paligid ko hanggat wala akong ginagawang masama gagawin ko kahit bumaba ang pagkatao ko basta nasa tama ako gagawin ko. Huwag mo lang sasaktan damdamin ko bubutasin ko katawan mo.
Sana.. Dito sa mundo, wala ng mapang-aping tao.
Sana.. Magmahalan na lang lahat.
Sana.. Itanim natin lagi sa ating isipan ang unawa at awa.