Monday, 9 November 2009

SULAT NG ISANG INA

SULAT NG ISANG INA SA KANYANG ANAK NA
NASA ABROAD


Munting mensahe ng isang ina, punong-puno ng pagmamahal, punong-puno ng pag-aalala, Punong-puno ng pagmamakaawa. Sulat ng isang ina sa anak na nasisilaw sa kaligayahan nasisilaw sa karangyaan nakalimot sa pagmamahal sa kaligayahang nalalasap mo, nakalimutang mong may isang inang naghihintay ng iyong kalinga, isang inang naghihintay ng iyong pagmamahal. Makalipas ang dalawang araw matapos na matangap niya ang sulat ng kanyang ina. Pumanaw na ang kanyang ina nakitang nakahiga sa sahig sa labas ng paaralan walang sapin sa paa. Sa kaliwang kamay hawak ang isang bungkos na labahin at sa kabilang kamay hawak ang isang pirasong tinapay na pangtawid sa nararamdamang gutom habang ang kanyang anak nagpapakalunod sa kaligayahan. Sa gitna ng iyong kaligayahan.. Hindi mo man lang ba inisip ang iyong ina? Ngayong wala na ang iyong ina, paano mo pa ibibigay ang kaligayahang hinihintay ng iyong ina? Paano mo pa ipaparamdam ang iyong pagmamahal sa iyong ina? Nagsasaya ka, habang si inay nag-iisa, umiiyak. Sa konting tinapay pinilit niyang sagipin ang sarili niyang buhay kahit alam niyang may anak siyang tatakbuhan. Sa kabila ng kanyang hirap, pilit niyang iparating sa iyo ang kanyang pag-aalala, ang kanyang pagmamahal. Sa konting halagang hawak niya, pinilit niyang iparating sa iyo ang kanyang kalagayan, nagugutom ang iyong ina. Ngayong mahina na ang iyong ina, kangino siya lalapit? Sino ang inaakala niya tutulong sa kanya? Ikaw lang na kanyang anak ang tanging makakatulong sa iyong ina.Ikaw lang ang tanging makakaintindi sa kanyang kalagayan.Ikaw lang ang tanging alam niya na mag-aaruga sa kanya tulad ng pag-aaruga niya sa atin nuong tayoy musmus pa lamang buong buhay niya inilaan sa pag aaruga sa iyo.

Ngayon.. Pababayaan mo na lang mag-isa pababayaan mo na lang na umiiyak. pababayaan mo na lang magutom. Si inay.. Hindi na niya hinahangad ang anumang bagay na nasa iyo ang tanging hangad niya maalala mo siya, makumusta at mabati mo ng.. MALIGAYANG PASKO INAY

Ngayong malaki ka na.. Huwag naman sana nating pabayaan si inay. Sana.. Mamulat tayo na meron pa tayong ina na naghihintay ng ating kalinga.

ANG KALIGAYAHANG TINATAMASA NATIN NGAYON BUHAT SA PAGMAMAHAL NA DULOT SA ATIN NG AMANG MAY LIKHA IBAHAGI MO RIN ITO SA MGA TAONG NAG HIHINTAY NG IYONG PAGMAMAHAL


''Repost ko lang po ito para sa nalalapit na kapaskuhan''