Nakahiga ako sa mainit kong kama dahil sa lakas ng heater kosa flooring, habang pinapanood ko sa video ang mga taongnakakulong sa ating bansa, mga taong nabilango dahilsa mga pagkakasala o sa mga walang kabayarang kasalanangginawa, mga brutal na pagpatay, mga kasong pangagahasa.!Mga kasalanang karumal dumal na ginawa nila sa kapwa tao nila.Mga kasalanang pumatay ng mga kaawa-awang inosente.Mga kasalanang nagpaluha sa mga pamilya ng nabiktima.
Mga bilango na dapat sana ay pinaparusahan dahil sa mga makahayop na pag iisip, mga adik, at mamamatay tao at marami pang ibat-ibang klase na kaso. Sa mga mayayaman namanang pinakaparusa kwartong punong puno ng kasangkapanmay aircon pa, masarap pa ang pagkain, may tv pa.Habang pinapanood ko ang mga bilango na nagsasayawan habang tumutugtug ang musika, mga bilangong nagsasayawhabang pinapanood ng mga media at matataas na opisyalng bilibid. Maaring pinapanood din ng mga matataas na opisyalng bulok na gobyerno natin napapailing talaga ako.!Hindi na kailangang sabihin pa natin na...Hindi lahat ng nakakulong doon ay may kasalanan, lumangkasabihan na yan huwag na nating ulit-ulitin ang ganyangpaniniwala basta nakakulong sila may kasalanan sila.!Ano ba ang purpose ng kulungan?PARA MAGPARUSA BA O REHABILITATION LAMANG?!Paano ba napaparusahan ang mamamatay tao?Paano ba pinaparusahan ang mga rapist?Paano ba pinaparusahan mga magnanakaw?Yan lang ba ang pinakaparusa ng mga kriminal ang magsiksikan sa higaan? Yan lang ba ang parusa sa mga halang ang kaluluwa ang pumilasa oras ng pagkain?Yan lang ba ang parusa ng mga rapist ang turuang sumayaw?Tuwang-tuwa pa nga ang mga bilango dahil sa labas haloswala silang makain samantalang sa kulungan may tagalutopa sila. Kung ikukumpara natin sa bansang saudi arabia ang parusa sa mga nagkakasala, ang pinakamaliit mong kasalanan doon ay ang pagnanakaw putol agad ang kamay mo, habangbuhay na parusa mo na yan. Sa drugs naman pugot ulo ka na diyan. Yan ang talagang parusa, Pero sa pilipinas ayun panoorinmo sa youtube ang mga halang ang kaluluwa at tinuturuangsumayaw. Kung bakit pa kasi tinututulan ang death penalty sa atingbansa gayong buhay ang mga inutang ng mga kriminal na yan.Yan na nga lang ang magsisilbing parusa tinututulan pa.!Sino naman kaya ang tumututol sa death penalty? Sana... maramdaman din nila kung ano ang pakiramdamkapag isa sa kapatid nila ang ma chop-chop.