Friday, 11 September 2009

KASALANAN BA AY ISANG PAGKAKAMALI

Madalas nating naririnig sa mga kaibigan,
kakilala, o kung minsan sa mga mahal natin sa buhay
Kadalasan ang tao pag nakakagawa ng isang bagay
na makakasakit ng damdamin o nakakagawa
ng kasalanan, ang madalas nating naririnig sa
kanya..
"IM SORRY, PATAWARIN MO AKO
SA AKING PAGKAKAMALI"
Minsan naman..
"WALA NA BANG PANGALAWANG PAGKAKATAON
ANG NAGAWA KONG PAGKAKAMALI?"

Ang kasalanan nga ba ay isang pagkakamali?
Paano mo kaya nasabi na ang nagawa mong
kasalanan ay isang pagkakamali?
Naniniwala ako na ang pagkakamali ay hindi kasalanan.
Pero ang kasalanan ay hindi pagkakamali.

Isang kaibigan ko ang nagbigay sa akin ng isang halimbawa
na nauukol sa kasalanan na sinasabi nilang isang pagkakamali.
Halimbawa daw na ang isang gurly na nagmahal sa
isang lalaki na meron ng nagmamay-ari or kasal na sa isang
babae ang minahal niya ng hindi niya alam na
may asawa na yung lalaki. Maituturing daw na kasalanan iyon
dahil ang minahal niya ay lalaking may pananagutan na.
Para sa akin.. Hindi kasalanan nung gurly ang kanyang
nagawa. Iyon ang masasabi kong.. "pagkakamaling hindi
sinasadya". "Pagkakamaling hindi ko masasabing kasalanan
dahil hindi niya alam na may asawa na yung lalaki.
Pero kung alam nung gurlY na may asawa na yung lalaki
patuloy parin niyang inibig yan ang masasabi kong
kasalanan. Kasalanang hindi pagkakamali.
Kadalasan ang tao pagnakagawa ng kasalanan
madalas na sinasabi nila
IM SORRY NAGKAMALI AKO
PATAWARIN MO AKO SA AKING PAGKAKAMALI.

Tayong lahat alam naman natin kung ano ang mga
kasalanan, sa mata ng tao at sa mata ng diyos
maliit man o malaking kasalanan alam nating kasalanan
bakit pa natin ginagawa tapos sa huli sasabihing
nagkamali.
Ikaw.. naniniwala ka ba na ang kasalanan ay isang
pagkakamali?