Noong nasa high school pa lang ako, kapag kasama koang mga kaibigan ko, kabarkada nakakalimutan ko anglahat dahil minsan ang sarap sa pakiramdam kapagkasa-kasama mo na ang mga kaibigan mo, kabarkada mo.Hindi mo na naiisip kung ano ang bukas, basta ang mahalagayung ngayon na kasama mo sila.Madalas yan din ang isang dahilan kaya naliligaw tayo ng landas. Nawawala ang konsentrasyon natin sa pag-aaraldulot ng impluwensya ng kabarkada.!Noong bata palang ako at kapiling ko pa ang aking inamadalas niyang sinasabi sa akin.. "Anak mag aral kang mabuti para pag nakatapos ka madali kang makahanapng trabaho." "Mawala man kami kaya mong buhayin ang sarili moNoon... dahil dala ng ating kabataan hindiko masyadong inintindi ang bilin sa akin ng aking ina.Hangang sa nawala ang aking mga magulang, unti-untinakakaramdam ako ng hirap mabuhay, hangang sa bumaliksa aking ala-ala ang bilin sa akin ng aking ina, Totoo ang kanyang sinabi, kailangan natin ang may natapos dahilito ang magiging sandata natin pagdating ng panahon.Bagamat maraming hadlang, maraming balakid, maramingpagsubok ang dadanasin bago mo makamit ang makapagtaposng pag-aaral. Dahil dala ng aking determinasyong makapagtaposlahat ng paraan ginawa ko hangad ko lang na makapagtaposkahit mababang kurso lamang. Kumuha ako ng mga mababang kurso na kailangan sa paghahanap buhay.Kumuha ako ng BASIC SEAMAN COURSE, HEAVY EQUIPMENTOPERATOR, MACHINE SHOP, AUTO MECHANIC, AUTO ELECTRICITY, GMAW/SMAW WELDINGBUILDING ELECTRICITY W/ APPLIANCE SERVICING!Sa tulong ng aking determinasyon na makapag tapos,Sa tulong ng pag aalala dulot ng kahirapan,Sa tulong ng pagdarasal,At sa tulong ng payo ng aking ina na ang pag aaralang siyang gabay natin tungo sa kaginhawaan.Narating ko ang kinalalagyan ko ngayonDalawa sa natapos ko ang nagamit ko sa paghahanap buhay!Hindi hadlang ang kahirapan para makamit mo ang iyong minimithi.Walang hadlang kung nanaisin mo talagang makamitang isang bagay na nais mong marating.Ikaw din ang makikinabang sa bandang huli.!Tandaan mo...KUNG MAY NATAPOS KA... LAMANG KA SA ILANGLIBONG APLIKANTE NA HINDI NAKATAPOS.