Tuesday, 28 July 2009

SALAMIN


Kapag humaharap tayo sa salamin
Kitang-kita natin ang kabuuan ng ating sarili
ang ating panlabas na kaanyuan.
Pero minsan kahit nakaharap tayo sa salamin hindi
natin nakikita ang tunay na katauhan natin.
Kahit tayo sa ating sarili, hindi natin nakikita ang ibang
bagay na meron tayo sa ating pagkatao.
May mga ugali tayo na alam natin minsan na nakakasama
sa iba pero... ginagawa parin natin.

Minsan makikita mo lang na masama kung...
nakita mong ginawa ng iba, dito mo masasabi na
nagagawa ko din minsan ang ganoon.
Masasalamin natin ang sarili natin sa katauhan ng iba.
Makikita mo ang sarili mo sa mga taong nakakasalamuha mo
Kung ano ang nakikita mo sa iba iyon ang nag
re-reflect sa pagkatao mo.
Kung ano ang ginawang mabuti ng isang tao,
nagagawa mo rin. Sa kanila mo nakikita kung ano ang
tunay na pagkatao mo.
Madalas kapag may nakakausap ako tinitingnan ko
kung ano ba na meron siya sa sarili niya na wala ako.
Tinitingnan ko din kung ano ba na meron ako sa sarili
ko na wala din siya. Minsan.. napapangiti ako sa sarili
ko kung may makita ako na malaki ang kaibahan ko sa kanila
Tulad sa mga kaibigan ko, madali silang magalit kung may
mga bagay sila na hindi nila agad magawa,
dito ko nakikita ang sarili ko na hindi ako ganoon
May mga bagay naman na maganda sa ugali nila
ang siya ko ring kinukuha mula sa kanila.

Ngayon... Kung ano man ugali meron ako dahil
ito sa mga taong nakapaligid sa akin.
Sa kanila ko nakita kung ano ang mali at tama sa aking ugali
Sila ang naging salamin ng aking pagkatao.