Sunday, 12 July 2009

BE THANKFUL


Dumarating sa buhay natin ang minsan na nababagot
tayo sa ating sarili, sa ating mga ginagawa sa araw-araw
at kung minsan nababagot tayo sa kung ano ang meron na sa atin.
Hindi na tayo nasisiyahan sa mga bagay na meron tayo.
Naghahanap tayo ng iba na mas bago sa ating paningin
bago sa ating panlasa, bago sa dati nating ginagawa.

Likas sa atin ang hindi makontento
kung ano ang meron na tayo
para bang hindi tayo nasisiyahan.

Sa tagal na ng aking paghahanap buhay
marami na akong naging kasama na lumagpak
dahil sa paghahangad ng mas malaki
Hindi makontento sa tinatangap niyang suweldo
naghanap ng mas malaki
hangang sa nagsisi sa huli dahil wala ng
tumangap na kompanya
nagsisi dahil sa paghahangad ng mas malaki
Matuto tayong tumangap kung ano ang nakamit natin
matuto tayong tumangap kung ano ang narating natin
Ipagpasalamat natin dahil meron ka ng hanapbuhay
samantalang yung iba,
naghahanap pa ng mapapasukan

Ipagpasalamat natin dahil nasa ibang bansa
ka naghahanap buhay,
samantalang yung iba
nangangarap pa lang mag abroad

Kumakain ka na ng masarap
samantalang yung iba halos walang makain

Ayaw mo ng kainin yung natirang pagkain
at itatapon mo dahil gusto mo yung bago sa panlasa mo
samantalang yung iba, namumulot na lang ng makakain.

May mga gamit ka na
mas gusto mo pa yung mas mahal na gamit
para lang masabi mo sa mga kaibigan mo
na mahal ang mga gamit mo
samantalang yung iba
nangangarap magkaroon kahit mura
lang basta may magamit

Hindi tayo magiging masaya kung
hindi mo pinapahalagahan kung anong
meron ka ngayon at kung ano ka ngayon

Lagi nating isaisip na hindi lahat ng bagay
na meron sila, kailangang meron ka rin
binibigyan mo lang nang pagkakataon ang sarili
mo na maging matampuhin at
maging maingitin.

Try to keep a good attitude

"BE CONTENTED"
sa lahat ng bagay na natatangap natin


"LEARN TO ENJOY WHAT YOU HAVE"