Sunday, 29 March 2009

KAPALARAN NG TAO

Ano ba ang kapalaran ng isang tao? Sino ba ang gumagawa ng ating kapalaran? Tayo ba ang gumagawa o tayo ba ang nag aayos ng ating kapalaran? May mga nagsasabi na tao daw ang gumagawa ng ating kapalaran... Sabi nga ng iba... NASA TAO ANG GAWA, NASA DIYOS ANG AWA. Magsikap ka para makamit mo ang magandang kapalaran. Hindi ko masasabi na mali or tama ang kahit sino.. meron naman tayong mga kanya-kanyang paniniwala at meron tayong mga sariling opinyon.

Kung para sa akin... Hindi ako naniniwala na tayo ang gumagawa ng ating kapalaran. Kahit anong gawin nating lahat, magsikap man tayo or magsipag man tayo or kahit gaano man tayo katamad or gaano man tayo kaingat... kung ano ang ibibigay sa iyo ng diyos.. iyon ang kapalaran mo. Kung ano ang kapalaran mo hangang doon ka na lang. Kung kasabihang "" nasa tao ang gawa, nasa diyos ang awa "" Naniniwala ako diyan... Pero sa pagkakaintindi ko sa pangungusap na iyan... dalawa lang ang pwede nating gagawin.. "GUMAWA KA NG MABUTI AT GUMAWA KA NG KASALANAN." Tanging ang panginoon lang ang pwedeng magpabago ng kapalaran natin hindi tayo. Tao lang tayo walang kakayahan o wala tayong kapangyarihan, kung tayo ang gumagawa ng kapalaran natin.. wala na sanang naghihirap. May mga taong kahit anong pagsisikap ang gawin.. hirap parin ang pamumuhay.

Tulad ng kasintahan natin..

Tulad ng asawa natin..

Tulad ng kalusugan natin..

Tulad ng buhay natin..

Mayaman ka man o mahirap..

Yan ang ibinigay sa atin, yan ang kapalaran natin. Magkahiwalay man kami ng kasintahan ko.. hindi siya ang kapalaran ko.. hintayin mo kung sino ang magiging kapalaran mo.. iyon ang ibibigay sa iyo ng diyos. Walang sino mang nilalang ang pwedeng magpabago ng kapalaran.. tao lang tayo. Ang panginoon lang ang maykapangyarihan at siya lang ang tanging nakakaalam kung anong kapalaran ang ibibigay sa atin. Ang panginoon lang ang pwedeng magpagulong ng palad natin. Ang panginoon lang ang tanging dahilan ng lahat-lahat.

Wala ng iba.


KUNG DATI KANG MASAMA.. MAGPAKABUTI KA BABAGUHIN NIYA ANG KAPALARAN MO.

Ang mga sinabi ko po dito ay ayon sa aking opinyon at paniniwala, alam ko naman na lahat tayo ay may kanya-kanyang opinyon at paniniwala. Salamat po.

Kung nais po ninyong magbahagi ng inyong opinyon... welcome po kayo dito at igagalang ko ang opinyon ng bawat isa.