Isang tanungan porsyon ang naisip kong ilagay dito.. matagal ko na din pangarap ang may mag interview sa akin.. Hangang ngayon walang magkaroon ng interesado sa buhay ko. Kaya ako na lang ang magtatanong sa sarili ko. Nabasa ko lang ito sa isang blogger.. kaya ginaya ko lang. Kung mababasa niya ito.. Huwag sana siya magagalit.. humihiram lang po ako ng konting utak sa inyo. At kung may makakabasa nitong porsyon na ito huwag na po kayong gumaya umisip naman kayo ng sa inyoooooooo! (lol)
Q : Ano ang tunay mong pangalan?
A : Nais ko sanang sabihin ang tunay kong pangalan dito.. kaya
lang ang daming death threats ang natatangap ko (lol) Pero
andon yata sa profile ko.
Q : Ano ang tawag sa iyo ng mga kaibigan mo?
A : Sa mga site na napupuntahan lahat ng username na ginagamit ko JETTRO ang tawag sa akin
pero sa mga malalapit kong kaibigan RON ang tawag nila sa akin.
Q : Saan ka naninirahan ngayon?
A : Ayaw kong sabihin baka matuntun ako ng mga pinagkakautangan
ko. pero.. tubong urdaneta ako.
Q : Bakit mo naisipan na gumawa ng blog?
A : Matagal ko ng gustong gumawa ng blog.. hindi ko lang alam kung
papaano. Pero mula ng makilala ko ang babaing nagpatibok ng puso ko
nagkaroon na ako ng interesadong gumawa ng blog. Siya ang nag turo
sa akin. Ang galing-galing niya, ang dami niyang alam. Pati letter L
alam niya ang ibig sabihin ng letter L.
Q : Ano naman yung letter L?
A : Ha ha ha ayaw ko ngang sabihin? Nababasa niya ito! (lol)
Q : Mahilig ka ba makinig ng music?
A : Oo, adik din ako sa music..Pero mahilig ako sa mga lovesongs, lahat ng mellow music mahilig ako kahit mga old songs pinapakingan ko tagalog or english mas gusto ko kasi yung mga tahimik lang pakingan ayaw ko ng mga maingay na music.
Q : Ano ba trabaho mo ngayon?
A : Dati akong nasa jeddah saudi arabia 10 yrs ako doon bilang GMAW/SMAW & PIPE WELDER pero ngayon andito ako sa south korea. Machine shop
Q : Madalas ka ba dito sa hangout mo?
A : Oo, Adik ako dito eh! Adik ako sa pag gawa ng mga blog.
Dito ko ibinubuhos ang oras ko. Nakakawala ng pagod.
Q : Sa palagay mo ba.. maraming nagbabasa ng blog mo?
A : Palagay ko dalawa lang kami? Ako at yung babaing hinahangaan ko,
sapilitan pa, ako pa nagmamakaawa na basahin itong blog ko.
May kondisyon pa! Hindi na daw siya mag co comment! hayyyyy
Q : Ano ang paraan mo sa pag gawa ng isang blog?
A : Kailangan unang una yung makatotohan, ilagay mo ang
sarili mo sa ginagawa mo.. yun bang.. kailangan may damdamin
para makuha mo yung damdamin ng nagbabasa.
Q : Bukod dito sa hangout mo.. Meron ka pa bang ibang pinaglilibangan?
A : Oo, meron pa akong isang blogsite multiply.com pero hindi ko masyado naa-update yon pakiramdam ko kc pang babae yung site na yon. May mga telesite din akong pinupuntahan
yung TELEMIRROR.
Q : Ano ang nais mong iparating sa mga nagbabasa?
A : Nais ko silang imbitahan na kung nais nilang mag share ng
mga kwento nila sa buhay.. pwede nilang i share dito, welcome
silang lahat na mag share dito sa blog site ko. Kung nais nilang
ilagay yung name nila at name nung blogsite nila para mapasyalan
din sila ng mga kaibigan ko.
Q : Paano ka nila mako contact?
A : Sa profile ko meron akong ID doon.
Q : Meron ka bang mensahe sa mga nagbabasa?
A : Meron po... Salamat sa pag babasa.
Thursday, 29 January 2009
LUMUHA KA NA BA?
Mahirap din pala ang palagi ka nalang wala dito sa sarili mong silid..
Pati itong hangout ko nakakalimutan ko na. Minsan nakaka miss
din itong pagsusulat.. nakakawala ng pagod, lungkot at kung ano
anong nararamdaman mo sa katawan. Hindi ko na pahahabain
itong introduction ko.
LUMUHA KA NA BA?
Nais ko lang ibahagi sa inyo ang mga bagay na nangyayari sa atin.
Hindi man ninyo aminin.. maaring ito ay nangyayari na rin sa inyo.
Naalala ko noong nasa pilipinas pa ako.. nung panahong
kasalukuyan akong lumalaban sa hamon ng buhay. Napakaraming
pagsubok ang aking naranasan, andiyan yung time na hindi mo
man gustong umiyak ngunit.. hindi mo makuhang pigilan ang mga
luhang magpapagaan ng iyong kalooban. Ang pagluha ay walang
pinipiling lugar o kasarian, lalaki ka man o babae. Sabi nga ng iba..
sa pag iyak gumagaan ang ating kalooban.
Kasalukuyan akong nakikitira sa tahanan ng aking nakatatandang
kapatid na lalaki. Masasabi man nating kapatid.. ngunit andon pa
rin yung makaramdam ka ng kahihiyan dahil iniisip ko na habang
buhay na lang ba akong makikikain sa aking kapatid?
Ulila na kaming lubos.. Iniwan kami ng aming mga magulang na
walang naipamana sa amin kundi ang naiwan nilang mga
magaganda nilang pangaral sa amin ng aking kapatid.
Walang araw na hindi ako tumitigil sa paghahanap ng
mapapasukan. Buong araw akong naglalakad walang dalang
pagkain, tanging limang piso lang ang laman ng aking bulsa
pambili ng malamig.
Isang araw.. habang nag ku kwentuhan kami ng aking kaibigan
sa harap ng isang tindahan. Isang kapitbahay namin ang lumapit,
Si mang oscar ang kanyang pangalan, may kaya sa buhay ang
kanyang pamilya. Paglapit niya sa amin ng aking kaibigan..
sinalubong din namin siya ng ngiti bilang pag bati sa bagong
dating.
Kinausap niya ang katabi kong kaibigan..
Rene, sumama ka sa akin bukas irerekomenda kita sa kakilala ko
ng trabaho.. akong bahala sa pamasahe natin bukas. Ani ni mang
oscar. Sige po sasama ako. Sagot ni rene.
Sige hihintayin kita bukas ha.. Tugon ni mang oscar.
Sa narinig kong iyon.. hindi na ako umimik.. naiyuko ko na lang ang
aking ulo. Nakaramdam din ako ng konting pagkahiya sa kaibigan ko.
nakaramdam ako ng awa sa aking sarili. Ni.. hindi man lang ako
kinausap. Pagkaalis ni mang oscar.. sinabihan ako ng aking kaibigan.
Pre.. sama ka sa amin bukas?
Huwag na... kayo na lang.. sige uuwi na muna ako. Nagpaalam na
lang akong umuwi sa aking kaibigan.
Habang akoy papauwi.. hindi ko na napigilan ang aking mga luha
na tumulo. Nasaktan ako.. hindi komo ayaw niya akong isama.
Napaluha ako.. dahil sa ganito lang ang buhay namin,
kung hirap ba ang pamumuhay mo..
wala ka na bang puwang sa kanila?
Kung hirap ba ang buhay mo...
wala silang pakialam kahit masaktan ang damdamin mo?
Dumiretso ako sa likod ng aming tahanan.. doon ko naalala ang aking inay.
Doon ko sila kailangan.. para bang gusto kong magsumbong sa kanila.
Para bang gusto kong humingi ng tulong sa nanay ko.
Para bang gusto kong humingi ng pera.. pamasahe, at ako nalang ang
hahanap mag isa ng trabaho.
Minsan mahirap din ang maging ulila..
IIYAK KA NG NAG IISA.
Salamat po sa inyong pagbabasa!